Ang Muling Pagbabalik
After a quarter of being hiatus, kchismax is back to bring some chikas from kpop in pinas.
3 months rin ang nagdaan, at marami ng mga kaganapan ang nalagpasang ibalita ng inyong lingkod. Subalit, hindi pa naman siguro huli ang lahat. Bakit hindi natin sariwain ang mga nagdaang pangyayari sa mundo ng KPOP sa Pinas.
Una na rito ay ang patuloy na paglabas ng mga kantang KPOP sa mga radyo, telebisyon, palengke at bangketa. Matapos ang
Fire ng
2NE1, sinundan ito ng kanilang
I Don't Care eh eh eh eh. At hindi lang iyan, makikita na rin sa MYX ang
It's You ng
Super Junior na nanatili sa ikaapat na puwesto sa "Daily Top Ten." Hindi rin nagpaawat ang
Girls Generation. Kasalukuyang nasa ika-3 spot ang kanilang
Genie sa nasabing programa.
Ayon sa ibang mga Pinoy, makikita na rin ang music video ng
Ring Ding Dong ng
SHINee, at ang
Lachata ng
f(x).
Mukhang unti unti na nga tayong iniinvade ng mga Koreans. Sana naman, magkatotoo ang isa sa mga pangarap ng lahat ng Pinoy na fans, ang dumalaw ang isang kpop group sa Pinas *siyanawa*.
Labels: myx
Post a Comment